Advertisers

Advertisers

PBA: Beermen wagi vs Blackwater sa overtime

0 174

Advertisers

NASILAT ng San Miguel Beer ang Blackwater sa overtime, 90-88, at mapanatili ang kanilang winning streak sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym.
Nagtala si Mo Tautuaa ng double-double na 26 points at 14 rebounds para sa defending champion, na nagwagi ng apat na sunod-sunod para umangat sa 5-2, win-loss rekord.
“At 5-2, at least yung isang paa namin nasa quarterfinals na,” sambit ni coach Leo Austria pagkatapos ng laro.
Chris Ross nagtapos ng eight points, eight rebounds at three assists para sa Beermen.
Marcio Lassiter nagdagdag ng 12 points, habang si Alex Cabagnot at Von Pessumal bumakas ng 11 at 10 points ayon sa pagkakasunod, para sa San Miguel.
Dating MVP Arwind Santos na nagtala ng limang sunod-sunod na double-double ay nalimitahan sa nine points at 13 rebounds.
Ed Daquioag kumamada ng 20 points, habang si Tolomia nagdagdag ng 17, Trollano at Frank Golla nag-ambag ng tig-10 puntos, para sa Blackwater.
Ang Blackwater ay natalo ng tatlong sunod-sunod para malaglag sa 2-4 rekord.
Ang Iskor;
Blackwater (88) — Daquioag 20, Tolomia 17, Golla 10, Trollano 10, Canaleta 8, Dennison 7, Salem 6, Escoto 5, Sumang 2, Dario, Gabriel 3, Dario 0, Shaw 0, Magat 0.
San Miguel (90) — Tautuaa 26, Lassiter 12, Cabagnot 11, Pessumal 10, Santos 9, Ross 8, Gamalinda 5, Zamar 4, Mamaril 3, Escoto 2.