Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA pinakabagong episode ng “I Can See Your Voice,” naitanong ni Luis Manzano sa guest na si Janine Berdin ang pinakamalaking bagay na natutunan nito sa panahon ng pandemya.
Ayon kay Janine, ang biggest realization daw niya ay ang bigyan ng prayoridad at mahalin ang sarili.
Sumang-ayon naman dito si Luis at sinabihan pa nito ang bashers ng Tawag ng Tanghalan champion na tantanan na ang biriterang singer lalo na’t wala raw naman itong tinatapakang tao sa paghanap ng mga bagay na magpapasaya sa kanya.
“Sa lahat ng bumabatikos sa bagong pangyayari sa buhay ni Janine, wala kayong pakialam sa happiness niya kung hindi naman kayo naagrabyado,” ani Luis.
Matatandaang naging usap-usapan si Janine dahil sa kanyang physical transformation.
Marami ang nagulat dahil ang laki nang iginanda niya.
Hindi naman ikinaila ng singer na nagparetoke siya ng ilong.
Umani ito ng samu’t saring reaksyon sa netizens at marami naman ang natuwa para sa biriterang singer.
Sey pa nila, sa kanyang bagong hitsura, tinalbugan daw nito si Angeline Quinto na umamin din na nagparetoke siya at maging ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid napabalita rin noong sumailalim sa beauty enhancement procedure.
Si Luis ay balik-telebisyon sa bagong season ng kanyang mystery singing reality show na “I Can See Your Voice” kasama sina Andrew E, Angeline Quinto, Negi, Kaladkaren, Long Mejia at Eric Nicolas bilang Sing-vestigators.