Advertisers
HIGIT 100 bahay ang tinupok ng apoy sa isang residential area sa Road 12, Anonas, Sta. Mesa, Maynila, Lunes ng hapon.
Sa ulat, nagsimula ang sunog 3:00 ng hapon at umabot sa ika-apat na alarma.
Ayon sa report, walang tao sa bahay kungsaan nagsimula ang sunog dahil pumasok sa trabaho.
Madaling kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin, nadamay ang iba pang kabahayan na pawang gawa sa light materilas.
Isang lalaki ang nasugatan nang mahulog sa nasusunog na bahay.
Maging ang isang gusali ng Polytechnic of the Philippines (PUP) ay nadamay sa halos anim na oras na sunog.
Idineklarang fire under control ang sunog 5:00 ng hapon at 9:17 ng gabi nang tuluyan itong ideklarang fire out ng BFP.
Samantala, binisita ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga nasunugan upang tiyakin na nasa maayos na kalagayan ang mga ito. (Jocelyn Domenden)