Advertisers

Advertisers

Mga biktima ng flashflood sa Sultan Kudarat, tinulungan ni Sen. Go

0 193

Advertisers

NAKATANGGAP ng tulong mula kay Senador Christopher “Bong” Go ang mga biktima ng flashflood sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong ng mga staff ni Go sa Sultan Kudarat gym kung saan mahigpit na pinairal ang mga health and safety protocols para maiwasan ang posibleng pagkakahawa sa COVID-19.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng tanggapan ni Go ang pagkain, food packs, face mask, face shields at mga gamot.

Bukod sa hatid na tulong sa lahat, ilan sa mga benepisaryo ang masuwerteng nabigyan ng bisekleta na magagamit sa kanilang transportasyon habang ilang mag-aaral ang nabigyan ng tablet para magamit sa distance at online learning.



Hindi naman nakaligtaan ni Go na paalalahanan ang mga estudyante na pagbutihin ang kanilang pag-aaral para sa kanilang mas mabuting kinabukasan at para sa kanilang mga nagsasakripisyong magulang.

Maliban sa nakagawiang pagsama ng mga kinatawan ng DSWD, present din sa distribution para mamahagi ng tulong ang mga kinatawan ng Bangsamoro Authonomous Region in Muslim Mindanao Ministry of Trade, Industry and Tourism; Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR; Muinistry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE at Ministry of Labor and Employment o MOLE.

Binigyang diin ni Go na magkasama ang mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para tulungan ang mga kababayang nasalanta kaya hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga ito.

Pinasalamatan ni Go ang mga local officials sa serbisyo ng mga ito sa mga kababayan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">