Advertisers

Advertisers

INILIKAS NA HIGIT 1K PAMILYA, PINAUWI NA – ISKO

0 274

Advertisers

MATAPOS na matiyak na wala ng banta sa kaligtasan ay inutos ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na pabalikin na sa kani-kanilang tahanan ang mahigit 1,000 pamilya na inilikas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.

Nabatid sa alkalde na pinag-almusal muna ang may 4,128 indibidwal na dinala sa evacuation centers, covered courts at mga paaralan.

Nalaman sa hepe ng MDRRMO na si Arnel Angeles na nasa 682 pamilya ang inilikas sa iba’t ibang evacuation areas sa District 1 (Tondo) na binubuo ng 2,750 indibidwal. Habang sa District 5 ay nasa 326 pamilya na binubuo ng 1,378 katao ang inilikas sa tatlong evacuation centers.



Nabatid na sa evacuation centers ay may tatlong evacuee ang isinugod sa pagamutan dahil sa naramdamang mga sakit.

Isa na dito ang isang 6 na buwan sanggol mula sa R. Almario evacuation center na nahirapang huminga kaya isinailalim sa swab test.

Gayundin si Jonathan Lim, 48 dahil sa nararamdang sakit sa sikmura at Arman Atuel, 33 na namamaga ang paa dahil sa sugat. (Andi Garcia)