Advertisers

Advertisers

Habang hinahagupit ng bagyong Rolly… 2 barangay nilamon ng apoy sa Bacoor

0 229

Advertisers

DALAWANG barangay ang kinain ng apoy sa malaking sunog sa Bacoor, Cavite, Linggo ng gabi habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Nagsimula ang sunog 10:16 ng gabi at umabot hanggang ika-apat na alarma.
Idineklarang fire out ang sunog 1:28 ng madaling araw ng Nobyembre 2.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Alima. Natupok nito pati ang karatig na barangay ng Sineguelasan.
Dalawa ang naiulat na nasugatan sa sunog.
Sa kabuuan, 402 pamilya ang apektado o 1,691 indibidwal ang apektado ng sunog.
Kasalukuyang nasa apat na evacuation centers ang mga apektadong residente.
Nananatili pa sa mga evacuation center ang 388 pamilya o 1,641 indibidwal.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.(Irine Gascon)