Advertisers

Advertisers

Bangkay ng titser na tadtad sa saksak natagpuan sa dalampasigan sa La Union

0 432

Advertisers

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang inabot ng isang titser na natagpuan ang bangkay sa dalampasigan sa Bauang, La Union.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Mendoza, 40, guro ng DMMMSU-MLUC sa lungsod ng San Fernando, at residente ng Barangay Parian Este, Bauang.
Sa ulat, ang bangkay ng guro na natagpuan ng mangingusda sa dalampasigan ng Brgy. Pagdalagan Sur, Bauang, ay kinakitaan ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Umaasa ang pamilya ng guro na matutukoy ng mga otoridad ang responsable sa krimen sa lalong madaling panahon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa krimen.