Advertisers
WALANG Pinoy na naapektuhan sa naganap na magnitude 7 na lindol sa Turkey nitong Biyernes, Oktubre 30.
Ayon ito sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Gayunpaman ay puspusan ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Turkish authorities upang malaman ang mga impormasyon at sitwasyon ng mga Pinoy sa naturang bansa.
Kinumpirma ni Ambassador Raul Hernandez na kasama siya at ng Embassy Teama sa Izmir para sa consular mission nang mangyari ang malakas na lindol na tumama sa rehiyon.
Lumalabas sa inisyal na ulat, na nasa 20 gusali ang gumuho at may napaulat nang namatay sa insidente habang daan-daang mga residente na ang nasugatan dahil sa nangyaring lindol.
Dagdag pa ni Hernandez na nakipag-ugnayan din ang team kay Consul General Ender Yorgancilar at ng Filipino community leaders kung saan kinumpirma na walang Pinoy na napaulat na nasawi o biktima ng lindol.
Nanawagan naman ng dasal ang ambassador sa publiko para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Turkey. (Jocelyn Domenden)