Advertisers
PRAYORIDAD sa plataporma ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya bukod sa DROGA at KURAPSIYON ay ang mabilis na SERBISYO ng lahat ng kawani ng pamahalaan para sa taumbayan.
Sa kanyang pinamunuang Lungsod Davao noon ay walang puwang ang mga tamad magserbisyo para sa tao sa kanyang administrasyon.
Ang isang transaksiyon na puwede namang madaliin, matagal na ang 72 oras.upang ito ay tapusin at makamit ng bawat mamamayan ang kanilang lakaring papeles at dokumento sa pamahalaan.
Ganito ang nais mangyari ni Presidente Duterte sa nasyunal na aspeto ng paglilingkod para sa mamamayang Pilipino.
Iwaksi ang byurokrasya at ‘red tape na nagpapabagal sa usad ng mga transaksiyon sa gobyerno.
Talamak kasi noon ang anomalyang dulot ng gapang-pagong na lakarin kapag walang padulas o under da teybol na nagpapabagal din sa takbo ng ekonomya.
Nagpahayag na ng ultimatum si PDigong sa mga kawani ng ating pamahalaan na ibigay ang mabilis na serbisyo sa tao kaya iyong mga organic na nasanay sa petik-petiks na ugali ay humanda kayong pitikin at patalskin sa trabaho kapag di kayo nagbago.
Di na puwede ang lifestyle ng mga kruk na kawani na nagpapasara ng nightlife at sarilinin ang gabi sa gudtaym mula sa mga padulas na kita nila o bloodmoney para kumilos ang dapat ay tapos nang mga transaksiyon.
Sabi nga ni PRRD , kung di niyo kaya ang trabahong mabilis eh kayo ay umalis.
Isa pang klasik ay ang usaping ayuda sa mamamayan sa panahon ng kalamidad at krisis.
Iyong mga taga- DILG na mga LGU’s at mga taga- DSWD ay di alam ang kahulugan ng EMERGENCY.
Kung anu -anong taktika ang ginawa nila upang bumagal ang pamahagi ng ayudang kailangan sa lalong madaling panahon.
May mga kruk kasi na nagiisip pa kung pa’no makadekwat pansarili bago maipamahagi sa panahon lalo nitong pandemya.
May mga pakulo na makabagong online service para daw tiyak na makararating kaagad pero mas maigi pa iyong manu- mano at pahirapan ang tao sa pila bago pera. Araw lang dapat pero inabot nang mga linggo hanggang mga buwan at malapit nang taon pero meron pa ring mga ngangang kababayan natin ang naghihintay sa kawalan hanggang wantusawa para magka-kalimutan na lang at ang ayuda sa kanilang mga naatasan ay sa sariling lukbutan na nila ang perang pang- EMERGENCY lamang.
Mukhang pakapalan na lang sila ng MUKHA at baka nga naman malimutan na ni PDU30 ang perang pang-bayanihan na inaprubahang mabilisan ng Kongreso ay tila ilista na lang lahat sa tubigan at opkors ilang mga taga- LGU o DSWD na lang ang makikinabang? Pakapalan na lang ng bulsa o pabundatan ng tiyan..Sus naman!
Kailangan na ni Pangulong Duterte na magsagawa ng loyalty check sa mga namumuno ng mga departamentong iyan ng kanyang administrasyon na baka naman siya ay hinihila nila pababa ng kanyang pedestal dahil sa kanilang kagarapalan…ABANGAN!!!
Lowcut: Shoutout sa ating kaisport na umayuda sa ating advocacy ( Gilas Simon Free Arts Clinic – for young artists in the countryside)na sina Grand Knight Joey Lat ng KCMC Intramuros, GM Jayson Gonzales, FVP Joseph Ronquillo ng Cocolife, Direk Carlo Maceda ng CBA, Erick Arejola ng Northport Batang Pier, Alex Wang ng Wang’s Ballclub (D- League), Dr. Fred Paez ng PECA at Joselito Dormitorio ng Mindanao Chess.Mabuhay kayo!!!