Advertisers

Advertisers

Pinay Olympic Boxing Qualifier MAGNO ’NUMERO UNO SA TOKYO!

0 268

Advertisers

MISYONG posible ang nananatiling moti-basyon ni boxing champion Irish Magno na makopo ang kauna-unahang gintong medalya para sa bansa sa kanyang pagsabak sa Tokyo Olympics 2021 sa Japan.
May pandemic man o wala,optimistiko si Magno na may maganda siyang tsansa na makakamit ang makasaysayang tagumpay niya at ng Sambayanang Pilipino.
“That’s really my dream of a lifetime. Gagawin ko ang lahat para manalo sa Olympics at makapagbigay ng karangalan sa ating bansa,” wika ni Magno sa kanyang special appearance sa 18th “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom nitong Huwebes ng umaga.
Ang 29-anyos na pride ng Janiuay, Iloilo ay patuloy ang puspusan at komprehensibong preparasyon tungo sa direksiyong maabot ang kanyang pangarap
“ Lahat ng kailangang training ay ginagawa namin ngayon sa tulong ng aming mga coaches, like Coach Boy Velasco,” ani pa Magno, ikalawang boxer at ikaapat na Pilipinong nakahablot na ng tiket para sa Tokyo Olympics matapos mag- qualify din sina boxer Eumir Felix Marcial, gymnast Caloy Yulo at pole vaulter EJ Obiena.
Kung papalaring umusad sa medal round ay kutob ni Magno na malakas na makaktunggali niya sa featherweight Olympic gold medal bout ay ang pambatong boksingera mula China.
“Hindi ko pa alam yun pangalan, pero yun Chinese boxer magaling din,” tinuran ni Magno, na nag-qualify sa Olympics via unanimous decision victory laban kay Sumaiya Qosimova ngTajikistan sa kanilang boxoff sa nakaraang Asia Ocenia Olympic boxing qualifier sa Amman, Jordan noong Marso ng taon.
Tanggap naman ni Magno na ang deadly coronavirus pandemic, na nagpaluhod sa lahat ng sports ng halos walong buwan ay medyo nagpabagal sa kanyang ensayo at preparasyon para sa Olimpiada,
“Alam naman natin ang Olympics, iba talaga. Hindi siya basta-basta na labanan. Ibang level na ito. Kaya nun simula parang pinang-hihinaan ako ng loob na kulang ako sa ensayo,” paliwanag ni Magno, na iniwan muna ang training camp sa Baguio City upamg bumalik ss kanyang home province sa Iloilo noong Agosto dahil sa pandemic.
Pero ani Magno ay patuloy ang kanyang virtual training dalawang beses isang araw kasama ang kanyang national team coaches . “Ngayon tuloy pa rin po yung pag-eensayo. May online training kami kaya unti-unti nang nababawasan yung kaba at lungkot na naramdaman ko sa preparations,” dagdag ni Magno.
“Kapag may go-signal na pwede na kaming bumalik sa Manila, balik na kami para magkasama-sama na uli with our coaches sa training. Iba kasi talaga kapag nandi-yan sila na nagtuturo sa amin.”
Ang lingguhang public service sports program ay itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement at Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Games and Amusements Board (GAB).(Danny Simon)