Advertisers

Advertisers

Paghahalaman panlimot sa pandemiya, negosyo sa iba

0 397

Advertisers

Nanumbalik sa karamihan ang paghahalaman o pag-aalaga ng tanim, mapa-gulay man o mabulaklakin. Kaya nauso ang tawagang “planttito” at “planttita” sa mga kasama natin sa bahay na ginawang libangan ang pag-tatanim upang palampasin ang kaburyungan sa gitna ng pandemiya nating dinaranas na nang mahigit walong buwan na ngayon.

At sa iba pa nga ay naging oportunidad ito sa kabuhayan. Kasi naman, nang mauso ang pagtatanim, marami ang nag-hanap ng maitatanim. Kaya ang mga dati ng naghahalaman pati na yaong mga maraming tanim na halaman ay naka-isip nang ipagbili ang kani-kanilang mga alagang halaman.

Mas mabenta nga kaysa noon ang naging bunga ng pandemiya para sa mga talagang nag-aalaga ng mga halaman, lalo’t na mayroon na tayong social media sa ngayon. Hindi ba’t sari-saring post ang ating makikita sa mga kaibigan at kakilala na ngayon ay nag-aalaga na rin ng mga halaman.



Pagandahan at paibahan. Ngunit kung tutuusin ay dati nang naririto ang mga halamang ngayon lang natin muling napagtuunan. Kasi nga ay wala na rin tayo halos magawa sa mahabang pagbabawal sa ating lumabas ng kanya-kanyang bahay dahil sa quarantine.

Sa mga mabibilis tumakbo ang mga kaisipan, naging magandang oportunidad ito upang pagkakitaan. Pumalo ngang bigla ang mga simpleng halaman lamang noon na dati’y balewala lamang sa ating pansin, sa libong halaga na.

Malaking bagay naman kasi rin kung gugugulan mo ng pansin ang paghahalaman kung ikaw ay nasa pamamahay lamang palagi. Bukod sa nasusubaybayan mo ang kanilang pagyabong at paglaki, nawawala ang iyong pagka-inip nang dahil ikaw ay naka-quarantine o hindi pinapayagang makalabas dahil nga sa panganib ng COVID-19.

Halaman din naman ang sinasabi sa atin na stress reliever, kaya sa mga talagang mahilig dito, nakakaligtaan nilang tayo ay dumadanas ng pandemiya. Naiiwas din nito ang matagal nating pagtutok sa mga gadgets kung saan tayo ay iniiwas na makatutok sa mga likas na yaman ng ating kapaligiran.

At lumobo na nga ang presyuhan ng mga ito, dahil karamihan ay nagnanais ng magpalaki at mag-alaga ng halaman. Dahil habang ika’y nag-aalaga ng halaman, parang nadadagdagn na rin ang iyong kasama sa buhay. Parang gaya ng mga may alagang hayop. Mas mainam nga lang sa halaman, dahil tubig, araw at pataba lamang ng lupa ang kakailanganin.



Ngunit sadyang may naiiba sa atin. Dahil kung karamihan ay nawiwili na sa paghahalaman at nagagawa pang kumita dahil sa mga ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga tanim, ang iba ay mapag-samantala naman.

Ito yung mga kababayan nating hawig kay “Juan “Tamad.” Ang gagawin ng mga ito ay intayin lamang na ikaw ay malingat. At sa isang iglap, ang iyong alagang halaman ay wala na sa iyong harap. Pagnanakaw ang ibig kong sabihin.

Dahil ayaw nang maghirap pa sa pagtatanim at pagpapalaki ng halaman, ang iba ay nagnanakaw na lamang upang pagkakitaan ang bago nating kinahuhumalingang pag-aalaga ng halaman.

Marami pa rin talaga sa atin ang masama ang naka-ugatan.