Advertisers
Napakasalaula naman ng ilang may-ari ng aso sa kalye ng Coral, mula Sta. Fe hanggang Quezon, sakop ng Barangays 118 at 119. Pinababayaan ang mga alagang aso na umebak sa kalsada, at walang pagsisikap na damputin, walisin at itapon sa basurahan para hindi maapakan ng mga naglalakad. May mga taga-walis naman sa umaga ang lahat ng barangay pero tila iniiwan at iniiwasan ang mga dumi ng hayop, bakit? Tuwing umaga ay matatambad ang tumpuk-tumpok na ebak ng aso. Ano ba ang angkop na parusa sa mga iresponsableng pet owners, na parang ikinagagalak pa na sa kalsada dumudumi ang aso kaysa sa loob ng mga bahay nila. Panahon narin siguro na magkaroon ng tagahuli at lagakan ang bawat barangay para sa mga asong matitiyempuhan na umeebak sa kalye at pagmultahin ang mga may-ari ng hayop. Maging malinis naman ang lahat, iayos ang disposal ng mga duming ikinakalat ng aso.- Concerned community neighbor
Clearing operations ng DILG kailangang seryosohin
TEXT BRIGADE, TAMA LANG ANG PANUNTUNAN SA UTOS NG KAGAWARAN NG DILG NA PAIRALIN MULI ANG CLEARING OPERATION SA MGA KALSADA. DAPAT PAIRALIN ANG KAAYUSAN NG MGA NAKA DOUBLE PARKING AT ANG MGA ESKINITANG GINAWA PARA MADAANAN NG MAMAMAYAN AY GINAGAWA RIN ONE-SIDE PARKING AT NAKAKUMOT PA ANG IBANG MGA SASAKYAN DYAN SA BARANGAY TUMANA, MARIKINA, SAMO’T SARING SASAKYAN ANG NAKAPARADA DYAN, MGA TRICYCLE. MGA KARITON HALOS SAKUPIN NA ANG MGA KALSADA NA HALOS DI MAKADAAN ANG MGA TAGA BARANGAY TUMANA. SANA MATULOY ANG CLEARING OPERATION SA NOV. 16, 2020… (MATA NG LANSANGAN)