Advertisers
Nitong October 30 ay ginanap ang MLAs Finest Retirees Association Inc MFRAI Election kung saan dumagdag ang mga bumoto Manila Police Retirees sa MPD HQ kung nandun ang opisina ng MFRAI. Ang botohan ay para sa BOD ng MFRAI, na binubuo ng 11 Board of Directors, 21 na kandidato ang lumahok, 11 ang pinalad na magwagi, kasama po ang inyong lingkod na magwagi mapasama sa elected MFRAI BOD.
Salamat sa mga bumoto sa akin at makilahok bumoto at sumuporta. Sa Elecom Committee Chairman Ret.Col Kaboboy Cris Cabasal , Ret. Col. Eddie Cruz, Ret. Capt. Romy Alfaro, Ret. Capt. Lito Coronel at Ret.Insp. Bok Moquero at iba pang Elecom Committee na tinapos ang election na mapayapa at maayos .Nasunod ang healthy protocol, wearing of facemask, faceshield, at having bottle of alcohol and hand sanitizer. Napatupad ang physical social distancing sa mga bumoto. Ang mithiin ng mga miyembro ng pagbabago ay natupad na sa pamimigitan ng botohan , sa bagong MFRAI BOD , sa loob ng 3 taon manunungkulan . Sila ang pag asa na matiyak na ang karapatan at benepisyo ng Manila Police Retirees. Sa darating na November 5 ay gaganapin naman ang pagbuo ng set of MFRAI BOD from President, Vice President, Secretary and so on. Ang elected BOD mismo ang magbobotohan sa supervision ng Elecom Committee. Upon completion ng set of MFRAI BOD ay may kinatawan na ang MPD Retirees kung ano man harapin ng Manila Police Retirees kung tungkol sa karapatan at benipisyo. Kapag nakita ng MPD Retirees na ang present BOD ay may pagbabago galaw na mga proyekto sa kaunlaran ng samahan at dama ang malasakit ng liderato ay tiyak na madami mag memember ng samahan.
Ang Association ay mabibigyan pansin ng gobyerno kung may PANININDIGAN, na nasa batas ang tinuturan sa mga kinauukulan , future plans ay mahalaga sa bagong BOD , para may foresight upang tumatatag ang samahan. Ang mga MPD Retirees sa ibang bansa at naka monitor sa galaw ng MFRAI, kapag nasa Pilipinas sila ay sigurado dropped by sa MFRAI office kung nakita nila matino ang takbo ng samahan. Different credentials ang nanalo mga BOD na maconsilidate ang mga BOD ay matatag ang samahan at magkakaisa sa mga proyekto ay tiyak aiming high ang samahan. Sa tulong ng Panginoon at may gabay sa samahan at tiyak na mararating ang tagumpay para sa ikakabuti ng lahat ng miyembro ng samahan . More power sa Manila’s Finest Retirees Association Inc, MFRAI!
The Wisdom of Solomon 4:8,9
We honor old age, but not just because a person has lived a long time. Wisdom and righteousness are signs of the maturity that should come with old age.