Advertisers

Advertisers

Graphic artist tumalon sa 18th flr. ng condo, lasog!

0 453

Advertisers

ISANG graphic artist ang tumalon mula sa ika-18 palapag ng inookupahang condo unit sa Quezon City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jason San Andres, 28, may live-in-partner, residente ng Unit 18 B-12, 18th Floor ng Victoria Station sa Edsa, Barangay South Triangle, Quezon City.
Sa ulat, 9:17 ng gabi nang maganap ang insidente. Bumagsak ang biktima sa katabing roof deck ng GMA Annex Building sa Edsa-GMA Drive, Barangay South Triangle.
Sa imbestigasyon ni CMS Elizalde Toledo ng CIDU-QCPD, nagpapahinga sa kanilang silid sina San Andres at kalive-in niya na si Hannah, 27, guro, nang biglang nagalit ang biktima at kung anu-ano ang pinagsasabi.
Nagulat na lamang si Hannah nang biglang hinawakan ng biktima ang kanyang leeg at sinakal kaya nanlaban ang babae.
Huminto rin ang biktima pero lumabas ng kanilang silid at tuluy-tuloy sa balcony at ilang minuto lamang biglang tumalon ito.
Nabatid na una nang ipina-confine ng pamilya ang biktima sa Philippine General Hospital dahil sa hindi makatulog at pagiging ‘mentally unstable.’
Nagtamo ang biktima ng grabeng pinsala sa ulo, nabali ang mga binti, at napinsala ang katawan nito na sanhi ng agad niyang pagkamatay.(Boy Celario)