Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BUONG ningning na pinasalamatan ni Neri Naig ang kanyang ina na bata pa nga lang daw ay nasanay na ito sa paglalako ng panindang ulam.
Kasabay noon ay ang pagkuha nito ng kaning baboy na may bitbit na timba.
Kung hindi nga raw sa training na natutunan ni Neri ay never ito makabibili ng mga property.
Bumilib naman ang vocalist ng Parokya ni Edgar na kanyang mister na si Chito Miranda sa sipag at diskarte ng misis.
Pag-amin nito sa kanyang socmed na never nitong ikinahiya ang bumuhay sa kanilang pamilya, ang pagtitinda ng tuyo.
Kahit nga mga founder at CEO ay gusto na rin maki-join kay Neri at sinabihan pa nga ang esmi ni Chito na perfect tindera.
Sa kabila ng pandemya ay hataw naman ang business ni Neri katuwang ang mister.
Halos lahat na nga raw yata ng items ay naitinda na nito at naialok para lang kumita.
Till now kasi ay wala pa rin gigs ang dyowa kaya naman si Neri ang dumidiskarte. At never din nito ikinahiya ang pagtitinda ng tuyo na siya nila ngayong pangunahing hanapbuhay.
***
HAPPY si Vina Morales na sa kabila ng pandemic ay may trababo ito kaya thankful ito sa Net 25 dahil dalawang show agad ang kanyang nilalagare.
Yes, sa Tagisan Ng Galing at Kesaya-Saya na for the first time ay makaka-work niya ang ex-bf na si Robin Padilla.
Happy siya at nakatrabaho ang dating kasintahan at kadalasan kasi ay sa pelikula niya ito nakakasama.
May offer nga kay Vina na serye ang ABS-CBN pero niligwak nito ang offer.
Never pa raw nito maiwan ang anak na si Ceana dahil pandemic pa kaya lock-in shoot ang tema na hindi ubra sa singer-actress.
Sa kabila na busy na si Vina sa dalawang show sa Net 25 ay sinasabay na rin nito ang pagbebenta ng bagoong at suka.
Medyo hirap sa dami ng inquiries at ide-deliver pero oks lang dahil dagdag kita nga raw ito para kay Vina.
Well, well, well…’Yun na!