Advertisers

Advertisers

Pagbuo ng Dept. of OFW bilang urgent welcome sa Kamara

0 228

Advertisers

Welcome para sa liderato ng Kamara ang pahayag ng Pangulong Duterte na sesertipikahan nito bilang urgent ang panukalang batas na bubuo sa isang Department of OFW.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, mas lalong napapanahon ang pagpasa sa naturang panukala lalo’t marami sa ating mga OFW ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.



Bukod dito, inaasahan na marami pa sa kanila ang magsisiuwi ng bansa dahil na rin sa epekto ng pandemiya sa global economy.

Katunayan ayon aniya sa DOLE ay nasa halos 500,000 OFW ang na-displace bunsod ng pandemiya.

Marso pa nang ipasa ang House Bill 5832 o Department of Filipino Overseas Act na siyang bersyon ng Kamara. Oras naman ani Velasco na maaprubahan din ng senado ang kanilang bersyon ay agad nilang isasalang ito sa bicam para maratipikahan at malagdaan na ng Pangulo.

Diin ni Velasco, paraan din ito upang masuklian ang tulong ng  mga OFW sa ating ekonomiya na may ambag na 9.8 percent as ating gross domestic product o GDP at 7.8 percent sa ating national income.

Isa rin aniya ito sa campaign promise ng pangulo at titiyakin nilang maisasakatuparan ito.



Samantala, hiniling ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo sa Senado na harapa nng paraan para maitaas sa P50 billion ang pondo para sa Assistance to Nationals Fund sa ilalim ng Department of Filipino Overseas bill.

Ani Tulfo, barya lamang ang inilaang P5 billion na pondo sa ATN kumapra sa mahigit $30 billion na remittances ng mga OFW na nagpapalakas sa ating ekonomiya. (Henry Padilla)