Advertisers
Dalawang set ang mga sister team sa PBA. Una ang pangkat ng SMC na Barangay Ginebra, San Miguel Beer at Magnolia.
Sinundan sila ng tropa ni MVP na kinabibilangan ng TNT, Meralco at NLEX.
Kung maganda yan para sa liga ay debatable naman.
Noong panahon na pakaunti nang pakaunti ang miyembro ng PBA ay sinalo ng San Miguel ang liga sa pagbili ng mga prangkisa na nais nang lumisan. Ganyan ginawa nila sa La Tondenana may hawak ng GinKings. Nang lumaon ay binenta na rin sa kanila ang Purefoods na Magnolia na ngayon.
Sa pagpasok ngTNT na Mobiline noon ng grupo ni MVP ay ninais din nila itong strategy gayahin. Kaya nagkaroon ng Meralco at later ng NLEX.
May pagkakataon na pinagbintangan sila ng bigayan. Pero kung minsan naman nag-aaway-away pa mga player nila upang manalo lamang.
Nitong Clark bubble ay nalasap ng Ginkings at Tropang Giga ang unang pagkatalo matapos ang sunod-sunod na pagkatalo sa kamay ng kani-kanilang mga kapatid na team.
Mangyari ang nagpadapa sa Ginebra na may apat na sunod na victory ay ang Hotshots na bahagi rin ng mga koponan ni RSA.
Ganyan din ang naganap nitong Huwebes nang pinabagsak ng Road Warriors ang TNT para sa unang loss lang nito makaraan ang 5-game winning streak.
Nagkataon naman na hirap manalo kapwa ang NLEX at Magnolia sa Angeles University Foundation Gym.
Talagang hindi mo maaalis na mag-isip. Nguni’t hindi tama ang mag-akusa ng walang pruweba.
Eka nga ni Tata Selo ay show your evidence. Korek nga naman.
***
Ayon kay Ka Berong ay tila na-level ang playing field sa pagkawala ni JuneMar Fajardo, Alam natin na malakas ang Beermen dahil sa superyor na game ni The Kraken. Walang kahalintulad ang 6-time MVP. Malaking bagay ang 6″10 na sentro dahil walang katapat sa opensa at gayun din sa depensa.
Medyo sadsad laro ng mga bata ni Coach Leo Austria sa simula nguni’t umaangat na sila ngayon kahit miss nila ang presence ng Cebuanong superstar.
Bumabalik na kasi husay ni Arwind Santos at gumagaling naman si Mo Tautuaa,
Makahbol kaya sila sa mga nangungunang TNT at Ginebra? Abangan!
***
Hindi mapigilan ng mga NBA fan ang mag-speculate sa pwedeng mangyari kay Giannis Antetokounmpo ngayong off season.
Natural na nais ng Golden State na mapunta sa kanila ang The Greek Freak para mabalik sila sa limelight.
Ngayon may usapan na nais na rin ng MIami na ma-trade sa kanila ang 2-time MVP. Ito raw ay para matiyak na ma-improve nila ang kanilang runner-up finish ngayong 2019. Nguni’t sino naman maaari nilang ialok sa Milwaukee na hindi masisira ang core group nila?