Advertisers
Ito ang sagot niya nang tanungin kung may plano ba silang magsama sa pelikula ni Ice, sa ginanap na Zoom conference ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4, recently.
“Kung mayroon akong bucket list, sana maka-arte ako sa isang pelikula na kasama si Ice… sana nga po, sana nga po. Producers, please,” nakatawang saad ni Liza.
Dagdag pa niya, “After ng FDCP, hahaha!”
Inanyayahan din ni Chair Liza ang lahat para suportahan ang PPP 4. “Namamanata na ako sa Baclaran, sa Quiapo… para lang manood ang lahat, kaya sana nga po panoorin nila ang PPP-4. Suportahan nyo po kami, maraming salamat po!,” masayang saad niya.
Samantala, extended ang PPP 4 na mula 16 days ay magiging 44 days na. Kaya naman magaganap na ang PPP 4 simula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13. Ito’y bilang tugon sa hiling ng marami na habaan ang PPP 4 dahil nadagdagan din ang line-up na may 170 pelikula at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section.
Dahil din dito, mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idaragdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at Pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions, at masterclasses.
Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng Anak Dalita ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana.
Ang libreng VOD streaming ay available mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.
Ang ibang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas. Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.
“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also pushing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” wika ni Ms. Liza.
Ang PPP4 ay may subscription options gaya ng Premium Festival Pass (PHP 599) na magbibigay ng access sa lahat ng content, kasama ang Premium films at events.
Simula Oktubre 31, iaalok naman ng PPP 4 ang Half Run Pass (PHP 299), Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films, public events, at iba pang libreng content). Ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens ay makakakuha ng 20% discount at ang mga estudyante ay magkakaroon ng 30% discount.
Ang PPP ang flagship event ng FDCP. Ang Event Partners nito ay Glimsol Web & Digital Solutions, Team On Ground, at Dragonpay na official payment gateway ng PPP4.
Para sa updates at karagdagang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.