Advertisers

Advertisers

Bagong episodes ng Prima Donnas mapapanood na simula Nobyembre 9

0 295

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES
NAGDIWANG ang avid fans at viewers ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ matapos ilabas ang teaser ng fresh episodes nito na mapapanood simula ngayong Nobyembre 9.
Matatandaan na nabitin ang viewers sa kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi naman niya ginawa. 
Sinubukan nina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto ng hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos) na nagdesisyon namang ituloy na ang kasal nila ni Kendra.
Talagang excited na ang viewers ng serye na mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento nito. Post nga ng isang netizen, “Sana mabunyag na ang lihim ni Kendra para masaya na ang 3 donnas.”
Abangan ang fresh episodes ng Prima Donnas ngayong Nobyembre 9 sa GMA-7!
***
Sanya Lopez, dalawang bigating aktor ang leading men
Malaki ang pasasalamat ni Sanya Lopez sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network. At sa dalawang paparating niyang projects, parehong beteranong aktor ang makakasama niya.   
Kamakailan lang ay na-announce ang kanyang kauna-unahang title role sa First Yaya na makakapareha niya ang mahusay na aktor na si Gabby Concepcion. Bukod diyan, gaganap din siyang leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila.
Aniya, “I’m very happy na binigyan ako ng GMA ng opportunity na talagang mai-partner sa kanila. Ang gagawin ko talaga is galingan ko dahil alam naman nating mahuhusay sila.”
Hindi rin daw issue kay Sanya na wala siyang regular love team, ang mahalaga raw ay maipakita niya sa viewers na epektibo ang kanilang on-screen chemistry at mahusay niyang magampanan ang kanyang mga karakter.
***
Gabbi at Khalil excited na sa  bagong proyekto sa GMA
Good news para sa mga #GabLil fan dahil magkakasama na sa isang GMA series ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos!
Makalipas lamang ang dalawang linggo matapos opisyal na pumirma ng contract si Khalil sa GMA Artist Center, may nakaabang na kaagad siyang soap sa home network. At bilang sagot sa matagal nang kahilingan ng kanilang fans, makatatambal niya sa proyekto ang girlfriend na si Gabbi.
Sa Instagram story ni Khalil ay makikita ang photos nila ni Gabbi habang hawak ang isang pulang envelope. Laman nito ang mga detalye sa pagsasamahan nilang proyekto at kitang-kita ang excitement ng dalawa sa natanggap na balita.
Abangan ang big reveal nito soon sa GMA!