Advertisers

Advertisers

3 naaagnas na bangkay natagpuan sa Nueva Vizcaya

0 296

Advertisers

Patuloy na inaalam ang pagkakakilalan ng tatlong bangkay na natagpuan sa Benguet-Nueva Vizcaya Road, Barangay Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya .
Nakita ang tatlong bangkay sa lugar na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na nasa state of decomposition na.
Ayon kay PCapt. Juanito Balite, hepe ng Kayapa Police Station, batay sa kanilang pagsisiyasat, maaring itinapon lamang sa lugar ang mga naturang bangkay dahil boundery na ito at malayo sa mga kabahayan.
Wala namang reported na missing person sa kanilang bayan kaya nakipag-ugnayan na sila sa mga kalapit bayan.
Nakasuot ang babae ng puting T-shirt at asul na shorts, ang isang lalaki naman nakasuot ng asul na T-shirt at itim na shorts, habang ang isa naman nakasuot ng puting T-shirt at berde na shorts na may belt at nkasuot ng relo.(PFT team)