Advertisers

Advertisers

2 Bahay inararo ng truck: 1 patay, 8 sugatan

0 227

Advertisers

Patay ang 7-anyos habang walong iba pang mga bata ang sugatan nang araruhin ng truck ang dalawang bahay sa Maharlika Highway, Barangay Inaclagan, Gumaca, Quezon.
Kinilala ang driver ng truck na si Edmar Nocos.
Ayon sa report, nangyari ang aksidente 5:00 ng hapon nitong Huwebes.
Sa ulat, patungo sana sa Maynila ang truck mula Bicol nang mawalan umano ng control sa manibela ang driver nito, dahilan upang masalpok ang dalawang bahay sa gilid ng highway. Tinamaan din ang isang nakaparadang tricycle.
Sa tindi ng pagsalpok, wasak na wasak ang dalawang bahay, ang isang bodega, at ang tricycle.
Mabilis na na-rescue ang mga biktima at sa pagamutan na binawian ng buhay ang 7-anyos na bata..
Hawak na ng Gumaca Municipal Police Station ang driver ng truck, na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury, at Damage to Property. (PFT team)