Advertisers
NANANATILING si Senador Cynthia Villar pa rin ang pinakamayaman sa 24 na senador ng bansa batay sa summary ng 2019 Statement of Assets, Liabilities and Networth na makikita sa Senate website.
Batay sa table summary ng 2019 SALN ng mga senador, aabot sa mahigit P3.8-billion ang total assets ni Villar habang wala naman itong liabilities o utang.
Pangalawa naman sa pinakamayaman si Sen. Manny Pacquiao na aabot sa mahigit P3.1-billion ang networth.
Nasa ikatlong pwesto naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may mahigit P567.4-million networth.
Pinakamahirap naman pero milyonaryo pa rin ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima na nasa mahigit P8.3-million ang networth.
Pangalawa naman sa pinakamahirap si Sen. Risa Hontiveros na nasa mahigit P16-million ang networth. (Mylene Alfonso)