Advertisers

Advertisers

Pagpapalakas sa anti-money laundering, suportado ni Bong Go

0 264

Advertisers

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na magpapalakas sa anti-money laundering efforts sa bansa, bilang pagsunod sa legal standards na itinakda ng international bodies.

Sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, sinusugan ni Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na palakasin ang kampanya laban sa money laundering sa bansa sa pamamagitan ng panukalang Senate Bill 1412 at counterpart nito na House Bill 6174.

Ayon kay Go, ipinasesertipika ng Pangulo na gawing urgent ang mga nasabing dalawang kapulungan ng Kongreso.



“I echo the President’s call to comply with legal standards for anti-money laundering and counterterrorism financing, as established by relevant international bodies,” ani Go sa pagdinig.

Ang mga nasabing panukalang batas ay layong palakasin ang Republic Act 9160 o ang “Anti-Money Laundering Act of 2001” upang makasunod ang Pilipinas sa legal standards ng international bodies sa pagtugon sa money laundering at pagpopondo sa mga terrorist activities.

Sinabi ni Go na noong Marso, kinumpirma ng Bureau of Customs na may $370 million dirty money na nakapasok sa bansa. Ayon naman sa DOF, may dalawang grupo na sinasabing nakapagpasok sa bansa ng $167.97 million at $200.24 million, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni Dominguez na inatasan niya ang BOC na makipagtulungan sa Anti-Money Laundering Council sa pagsisiyasat hinggil sa pagpasok sa bansa ng dirty money.

Sinabi ni Go sa pagdinig sa Senado na suportado niya na maisama ang tax crimes at paglabag sa Strategic Trade and Management Act, kinabibilangan ng “proliferation of weapons of mass destruction” sa money laundering.



Aniya, kung mabilis na maipapasa ang mga nasabing batas ay makikinabangan dito ang overseas Filipino workers.

“Possible na sila po ang direktang maapektuhan dahil kapag hindi po na-amend ang ating Anti-Money Laundering Law, maaari pong ma-grey list ang Pilipinas ng Financial Action Task Force at tumaas ang cost ng remittance rates para sa ating mga OFWs,” ani Go.

“Nararapat lamang po na maglaan tayo ng sapat na proteksyon upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan. Our campaign has always been against criminality and corruption aside from the war on illegal drugs,” dagdag ng senador.

Sinabi pa ng mambabatas na kung mapapaigting ang batas laban sa money laundering ay mapalalakas din nito ang giyera ng pamahalaan laban sa kriminalidad.

“Our campaign has always been against criminality and corruption aside from the war on illegal drugs. Amidst the continuing pandemic that has hampered, not just the economy but also the lives of our brothers and sisters, criminality and corruption have become more important issues that we must take seriously,” ani Go. (PFT Team)