Advertisers

Advertisers

Paasang Paymaya, maawa kayo sa seniors!

0 236

Advertisers

Totoo ang reklamo ng mga kawawang senior citizens ng Maynila sa Paymaya na napadalhan ng mga blocked account na hanggang ngayon ay marami pa ang hindi naitatama. Isa na namang pahirap ang ipinaranas sa mga oldies noong unang linggo ng Oktubre. Nag-text sa mga senior na nagbabalita na may laman na ang account nila at nang magpuntahan sa mga bangko ay hindi mai-withdraw, system error daw. Pinalundag lang ang mga senior. Hindi pa ba kalupitan ang linlangin ang mga matatanda na? Dapat siguro ay palitan na ang Paymaya bilang remittance instrument ng Maynila sa mga senior citizen ng siyudad. Monopolisado na ng Paymaya ang kontrata ng money transfer sa Maynila kaya kahit palpak na sila ay patuloy parin sa pamamayagpag at kabalbalan. Alisin na ang blocked sa mga account, maawa na kayo sa mga senior ng Maynila. Hindi porke maliliit lang ang account ay binabalewala na ninyo. Pls, pabilisin naman ang pag-correct sa mga erroneous password – RSM, Brgy 118, Rawis, Dist 1, Tdo, Mla, 09126420656

Red-tagging ng AFP sa mga artistang nagsusulong sa karapatan ng kababaihan
Sabihin man ng AFP na pinaaalalahanan lang nito ang mga aktres na tulad ni Liza Soberano at 2018 Ms. Universe Catriona Gray na mag-ingat sa pagpuna, pagtatanggol sa karapatan ng kababaihan na kaisa sa mga isinusulong ng Gabriela party list, ay delikado sa paniwala ng mga may tulad na paninindigan. Sa interpretasyon ng administrasyon na may hawak hawak ng timon ng gobyerno ay komunista ang makisimpatya sa mga may pagkiling sa kaliwa na totoo namang tulad ng damdamin ng aping Pinoy lalo na ang masa. Taliwas ito sa layunin ng pinunong sumusunod sa matrix ng yumaong diktador Marcos. – Thinking Citizen