Advertisers

Advertisers

Nadal’s ‘Unbreakable’ Records

0 195

Advertisers

Records are meant to be broken. Pero ang mga records na itinala at patuloy na itinatala ni Rafal Nadal sa tennis ay mahirap burahin.

Even his peers conceded na mahirap at malabo na mabura pa ang 13 titles na napanalunan niya sa French Open. Naniniwala rin sila na dadagdagan pa ni Nadal ang kanyang tropeo mula sa kanyang paboritong grand slam event.

Sa latest ranking na inilabas ng ATP Tour, isa na namang record ang na-break ni Nadal. By getting the second spot in the ranking behind Novak Djokovic, Nadal broke his tie with Jimmy Connors for the most consecutive weeks spent in the top 10.



Mula April 25, 2005 ay hindi na nawala sa top 10 ng men’s tennis ranking si Nadal for a running total of 789 weeks. Si Connors ay 788 consecutive weeks namalagi sa top 10.

That’s a remarkable feat lalo na kung iku-consider natin ang injury history ni Nadal. Ang long-time rivals ni Nadal na sina Roger Federer at Djokovic ay merong career-best na 735 at 555 consecutive weeks sa top 10, respectively.

Ang record na ito ang nagpapakita na si Nadal ang most consistent sa tatlong tennis greats. It means na kahit madalas siyang injured ay nagagawa niya agad makabalik sa winning form.

Federer and Djokovic have more weeks at No. 1, but Nadal is always lurking. He’s always right behind kung sino man ang nasa tuktok.

We didn’t even see the supposed peak years ni Nadal dahil injured siya madalas nang mga panahon na iyon. Normally ay sa late 20s at early 30s ang peak ng mga tennis players pero noong 2015 at 2016 na Year 29 at Year 30 ni Nadal sa mundo ay hindi siya nanalo ng grand slam. Those are the only years na wala siyang napanalunan na grand slam title mainly because of his health issues.



E has played in 60 grand slam events and won 20 of them. Ibig sabihin, isa sa bawat tatlong grand slam events na sinalihan ni Nadal ay siya ang nagwagi. I don’t know Federer’s and Djokovic’s batting average sa grand slam, but I’m sure Nadal’s is better.