Advertisers

Advertisers

Mga sangkot sa “Pastillas Scheme” haharapin ni P-Duterte – Sen. Go

0 201

Advertisers

GUSTO umanong harapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mapapatunayang sangkot at kumita sa “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration.

Ipinaliwanag ni Senador Christopher “Bong” Go na gustong malaman ni Pangulong Duterte kung matamis ang pastillas na gawa sa binilot na pera.

Sinabi ni Go na nais mapatunayan ng Pangulo kung natutunaw ang kinain na perang pastillas.



Ipinaalala rin ni Go na tinutupad ni Pangulong Duterte ang mga pangako nito lalo na pagdating sa paglaban sa korapsyon sa gobyerno.

Matatandaang una nang nagbabala ang senador hinggil sa posibleng pagpapakain ng pangulo ng perang binilot na parang pastillas sa mga mapapatunayang sangkot sa “pastillas scheme” o suhulan ng pera sa paliparan para payagang makapasok sa bansa ang mga Chinese national nang iligal.

Matatandaang sinuspindi na ng Ombudsman ang nasa 44 na mga opisyal at tauhan ng BI dahil sa naturang modus. (Mylene Alfonso)