Advertisers
INIHAHANDOG ng Universal Reality Combat Championship (URCC) ang yearend special presentation ng ‘fight night of champions ‘na pinag-init pa ng espesyal na bakbakan sa pagitan ng mixed martial artist/ actor at isang boxer/ rapper outside malayo sa kanilang silverscreen at stage limelight.
Kinumpirma kamakalawa ni URCC founding president Alvin Aguilar na tuloy ang pinaka-aabangang tunggalian na inaasahang magiging blockbuster sa pagitan ng dalawang celebrity fighters sa dudumuging venue sa Subic na lalarga sa December 5.
Si actor turned MMA fighter Kiko Matos ay makikipagbangasan at magbubuno kontra rapper Damsa – isang batikang ‘boxer in his own right.’
Si Matos ay nagsilbing substitute fighter para sa orig na kalabang rapper na si ‘Badang a.k.a. Darwin Ferianeza na umatras sa laban kontra original match-up na si Damsa (Raymond Abrenica sa tunay na buhay).
“If he (Damsa) wants to fight me, bring it on! I’m warning him, this is not a flip top battle, this is MMA!”, kumpyansang pahayag ni Matos patungkol sa kanyang kalaban.
Magugunitang si Matos ay nagkapanga-lan sa larangan mula noong kanilang blockbuster fight (2016) laban sa controversial actor na si Baron Geisler na nagresulta ng unanimous draw.
Nang sumunod na taon ay napasabak si Matos at ginapi si Billy Jack Sanchez via first round submission upang manalo sa kanyang debut fight bilang professional mixed martial artist.
Bagama’t kabisado ang boxing skills ng prominenteng rapper, binigyang-diin ni Matos sa kanyang octagon ring opponent na ang MMA ay tunay na naiiba ang estilo. That is not only throw of hands but mixed with kicks and grapplin techniques. Ang sahig ay aking teritoryo. Ito ang karagatan ko at ako ang pating. Once Damsa entered my turf, tiyakin niyang makakalabas siya nang nakatayo kundi ay sasakmalin ko siya ng buo,” panggimbal ni Matos.
Ang Matos- Damsa fight night ay isa lang sa undercards ng John Adajar vs Richie Redman main event nightcap.
“This is URCC in new normal.. bakbakan na!” anunsiyo ni Aguilar.(Danny Simon)