Advertisers

Advertisers

Mag-ingat sa mga ‘budol-budol’ sa Divisoria

0 221

Advertisers

KAPAG nalalapit na ang Pasko, samu’t saring raket at panlalamang sa kapwa ang ginagawa ng iba nating kababayan, magkakuwarta lang, magdusa man ang biktima.

Katulad ng nangyari sa aming kasambahay nitong Huwebes ng umaga. Nautusan siyang bumili ng sibuyas at mga gulay sa Divisoria. Halos tatlong oras bago ito nakabalik, umiiyak. Na- “budol-budol” daw siya.

Kuwento niya, bumili siya ng sibuyas sa isang tindahan ng mga sibuyas. Isanlibo ang hawak niyang pera niya. May lumapit sa kanyang babae. Sinabi sa kanya na papalitan ang kanyang hawak na P1,000 bill dahil wala pang barya ang tindahan, maaga pa nga kasi, alas-7:00.



Nagtataka ang aming kasambahay kung bakit hindi pa ibinibi-gay sa kanya ang binili niyang sibuyas. Tinanong niya ang pinaka-may-ari ng tindahan. Sabi raw sa kanya ng may-ari, paanong ibibigay sa kanya (kasambahay) ang binibiling sibuyas eh hindi pa naman siya nagbabayad.

Tiningnan ang CCTV sa puwesto. Nakitang nag-abot nga ng P1-K bill ang aming kasambahay sa isang babae na nagpanggap palang tindera, na pagkakuha nito sa pera ay mabilis itong lumabas ng puwesto at naglaho sa gitna ng mga mamimili sa Divisoria.

Ang ganitong modus, mga nagpapanggap na tindera/tindero sa isang mataong puwesto, ay matagal nang nangyayari sa mga pamilihan.

Kaya ang advise natin sa mga may-ari ng establishment: Pag-suutin ng identification card (ID) ang inyong mga tindera/tindero pati bodero. Ito’y upang hindi makasingit itong mga manloloko nating kababayan at hindi mabudol-budol ang inyong mga kli-yente o kostumer. Mismo!

***



Mahirap paniwalaan ang inanunsyo ni Pangulo Rody Duterte nitong Lunes na uubusuin niya ang nalalabing dalawang taon ng kanyang termino sa pagpakulong sa mga korap sa gobyerno.

Kahit pa inatasan niya si Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan, kasuhan, ang mga korap sa mga ahensiya ng gobyerno na tadtad ng korapsyon, malabo pa sa ata ng pusit na magagawa niya ito. Bakit? Aba’y napakaikli na ng 17 months para maimbestigahan, makasuhan at mapakulong ang mga magnanakaw sa pamahalaan.

At dadaan parin sa proseso ng batas ang pag-imbestiga at pagkaso sa mga kulimbat sa gobyerno. Oo! Mula sa Department of Justice, isasampa ito sa Ombudsman, tapos iaakyat sa Sandiganbayan tulad ng nangyari kina dating Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at nakabalik na Senador Bong Revilla.

Sa Ombudsman lamang ay maiksi na ang tatlong taon bago ito madesisyunan at maiakyat Sandiganbayan. Dito naman sa graft court, bibilang ka ng dekada bago malaman ang desisyon. Kakamatayan mo nga ang kaso sa napakausad-pagong na hustisya sa bansa. Mismo!

Sabi ng netizens, ang mga tinuran ni Pangulong Duterte nung Lunes against corruption ay propaganda lamang. Gusto niya lamang pabanguhin ang pangalan ng kanyang iendorsong papalit sa kanya sa 2022 election. Binanggit niya ang kanyang anak, si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Noong nangangampanya palang si Duterte para maging pangulo ay ang laban sa korapsyon at droga ang kanyang ipinangako sa mga mamamayan. Naniwala ang marami na magagawa nga niya ito dahil sa kanyang “astig” na pagkatao, na walang kinatatakutan. Dahilan para manalo siya laban sa limang mas kilalang mga katunggali sa pagka-pangulo.

Pero naka-apat na taon na ngayon si Pangulong Duterte ay wala pa siyang napapakulong na korap. Hindi rin niya nalinis ang iligal na droga, lalo pa ngang naging talamak.

Sabi ng kanyang bespren na kilalang kolumnista, Mon Tulfo, sa lahat ng nagdaang administrasyon mula kay FVR, itong administrasyong Duterte ang pinaka-KORAP! Mismo!!!