Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISANG netizen ang nagkumpara ng mga photo ni Heart Evangelista before at after na photo nito.
Ang laki nga raw ng pag-iiba ng awra ng fashion icon sa ngayon kaysa dati.
May mga follower naman itong nagsabi na wala raw pagbabago sa face ng fashion icon na si Heart at mula noon at hanggang ngayon ay maganda pa rin ito.
Huwag nga raw pagdudahan na retokada si Heart at dumaan ito sa beauty enhancement.
May isang netizen na naglakas ng loob na nagtanong sa socmed ng esmi ni Chiz Escudero kung may ipinaretoke o ipinaayos ito sa kanyang face at ang ganda raw kasi ng mata at ilong nito.
Agad namang sinagot ni Heart ang netizen na wala siyang ipinaayos sa kanyang face.
At ang kanyang mata at ilong ay yan na raw mula nang isilang siya at kung ano ang bigay ng Diyos ay walang ipinabago si Heart.
Kaya ‘yung nag-iisip na kabaro rin si Heart ng mga Salamat Po Dok, itinanggi na nito na may ipinagawa siya sa kanyang buong katawan.
Sabat naman ng isang follower ni Heart na sadyang maganda lang ito simula noon at mas lalong gumanda at blooming dahil sa mister.
Mas popokus na nga lang daw si Heart sa kapwa Pinoy na mahihirap kaysa pagtsismisan kung nagpa-surgery ba siya o hindi.
Malinaw ang sagot ni Heart sa kanyang socmed na wala sjyang ipinaretoke.
***
AYAW raw maging makasarili ni Kathryn Bernardo kung sakaling ipareha ang kanyang dyowaer na si Daniel Padilla sa ibang leading ladies.
Hindi nga raw alam ng dalaga kung ano ang plano ng kanilang home studio basta alam nito ay marami silang project na gagawin ni Daniel.
Grabe nga raw ang ibinigay na suporta ni Daniel na kung si Kathryn na nga mismo ay binigyan ng ibang leading man na si Alden Richards, sa Hello, Love, Goodbye na gumawa pa ng record sa takilya.
Nakita ni Kathryn kung paano siya sinuportahan ni Daniel.
Ganun din daw ang gagawing suporta ni Kathryn sa bf ‘pag ipinareha ito sa ibang female stars.
Ang management naman daw na huma-handle sa karera ng dalawa ang nakakaalam kung anong project ang nababagay sa KathNiel.
Aprub naman kay Kathryn na ipahiram ang bf sa iba para raw ‘di naman maumay ang utaw sa tambalan nila.
Well, well, well…’Yun na!