Advertisers

Advertisers

Kamara handang mag-imbestiga sa laganap na katiwalian sa gobyerno

0 216

Advertisers

HANDA ang Kamara na tumulong sa panawagan ng Pangulong Duterte na linisin ang katiwalian sa gobyerno.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Eric Yap balak nilang isalang sa kanilang oversight investigation ang mga anomalya sa ilang mga ahensya, tulad na lamang ng Bureau of Customs.
Pagtitiyak nito na ipatutupad ang kanilang oversight function partikular na sa paggugol ng budget ngayong may pandemya kung saan uunahin dito ang BOC na matagal nang sinasabing talamak ang korapsyon.
Nagbabala rin si Yap na kung mapapatunayang may katiwalian sa anumang ahensya ay irerekomenda niya ang pagtapyas o pag-alis ng budget nito sa 2021 oras na maisalang ang panukalang pambansang pondo sa bicameral conference committee. (Henry Padilla)