Advertisers

Advertisers

Cast ng ‘Magkaagaw,’ naghahanda nang bumalik sa taping

0 251

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NALALAPIT na rin ba ang pagbabalik-telebisyon ng Kapuso series na ‘Magkaagaw’?

Balita namin, nitong Lunes (Oktubre 26) ay nagsimula nang mag-script reading ang cast ng drama series na pinangungunahan nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, at Klea Pineda.



Matatandaang bago matigil ang production ng serye noong March, pasabog ang huling eksena na nalaman na nina Clarisse (Klea) at Laura (Sunshine) na si Veron (Sheryl) ang kabit ni Jio (Jeric).

Ika nga ng netizens at viewers, nabitin sila dahil kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa kuwento.

Kaya naman good news para sa loyal viewers ng serye ang balitang naghahanda na rin ang cast at production sa pagbabalik-taping para sa fresh episodes ng kanilang paboritong programa.

*** 

Luis Hontiveros may virtual date



May chance na ang netizens na maka-date ang Kapuso heartthrob na si Luis Hontiveros sa exciting online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol’ ng GMA Artist Center.

“I’m looking for a date for our favorite online dating show — #EDateMoSiIdol. Just comment below kung bakit ikaw ang maswerte kong makaka-e-date. #EdateMoSiLuisHontiveros @edatemosiidol,” lahad ni Luis sa kanyang Instagram.

Abangan ang fun at exciting virtual date ni Luis sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page!

***

DOTS Ph, tinutukan

Tinutukan at inabangan ng Kapuso viewers ang pagbabalik ng “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” sa GMA Telebabad.

Certified trending nationwide ang mga eksena nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty. Muli ring nagpakilig ang tandem nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Sgt. Diego at Capt. Moira.

Sey ng netizens, looking forward na sila sa mga susunod pang kaganapan sa serye, lalo na sa upcoming fresh episodes ng DOTS Ph.

Napapanood ang “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

***

Sanya Lopez tampok sa Halloween special ng #MPK

Isang nakapangingilabot na kuwento ang handog ng ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado (October 31).

Ito ang istorya ni Mayet, isang babae na halos gabi-gabi ay nagiging biktima ng sexual assault mula sa isang demonyo.

Pero dahil walang ibang nakakakita sa krimen, hirap siyang patunayan sa mga mahal sa buhay ang nangyayari sa kanya. Hanggang sa umabot na sa puntong nagiging sanhi ito ng pagtatalo nila ng asawang si Vic, na hindi rin naniniwala sa kanyang kalagayan.

Ang episode na ito ay pagbibidahan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, kasama sina Pancho Magno, Angeli Bayani, at Mon Confiado.

Abangan ang Halloween special ng #MPK – ang “Halimaw Sa Kama” – ngayong Sabado, pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.