Advertisers

Advertisers

3 tulak kulong sa P238K shabu

0 264

Advertisers

WALANG kawala ang tatlong drug personalities kabilang ang isang biyuda nang makuhanan ng P238,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Malabon City.
Kinilala ang mga dinakip na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos; Rainier Cagumoc, 18, ng Brgy. 118 Caloocan City; at Joan Tan, 38, ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon.
Ayon kay Col. Rejano, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni SSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni Lt Adonis Sugui ang buy-bust operation sa Kaunlaran St., Brgy. Muzon 12:30 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 35 gramo shabu na tinatayang nasa PP238,000 ang halaga. (Beth Samson)