Advertisers

Advertisers

16 na patay kay ‘Quinta’

0 231

Advertisers

UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa sa bansa ng nagdaang bagyong ‘Quinta’.
Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), maliban sa mga nasawi, mayroong 22 pa na naitalang sugatan at apat pa ang nawawala.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Quinta, nakapagtala ng 63 insidente ng pagbaha, 22 landslides, 5 maritime incident at 1 storm surge.
Umabot naman na sa 57,742 pamilya o 242,220 katao ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 3, 4A, 4B, VI, at VIII.
Sa nasabing bilang, 16,830 pamilya ang inilikas at dinala sa mga evacuation center.(Mark Obleada)