Advertisers
BINIGYAN-DIIN ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na kailangan mabayaran ng PhilHealth ang nasa P561-milyong natitira pa nilang utang sa PRC sa loob ng 3 araw.
Iginiit ni Gordon na matagal na kasing dapat bayaran ng PhilHealth ang utang nito.
Nakasaad din kasi aniya sa kasunduan ng PRC at PhilHealth na dapat bayaran ng PhilHealth ang PRC matapos ang tatlong araw simula nang isinumite nito ang kaukulang mga dokumento sa PhilHealth.
Matatandaang inihinto na ng PRC ang mga COVID-19 tests na ini-isponsoran ng PhilHealth dahil sa halos P1-bilyong utang nito sa ahensiya.
Sa ngayon, nabayaran na naman ng PhilHealth ang kalahati ng utang nito sa PRC o katumbas ng P500-milyon. (Josephine Patricio)