Advertisers

Advertisers

SAPAT NA PONDO PARA SA CANCER PATIENTS – REP. PULONG

0 275

Advertisers

Nais masiguro at madagdagan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pondo para sa National Integrated Cancer Center (NICCA) na siyang tutulong sa mga pasyente na kapos sa pinansyal.
Hiniling kahapon ni House Accounts Committee chair Rep. Duterte kay House Speaker Lord Allan Jay Velasco at Committee on Appropriations chair Rep. Eric Yap na siguraduhin na magkakaroon ng sapat na pondo ang ahensya para mas maraming buhay pa madugtungan o masagip.
“Ang aking ina ay isang cancer survivor. Na-diagnosed siya noong 2016 at sa awa po ng Dios ay naka-recover pagkatapos na higit isang taong gamutan, kaya ramdam ko po ang hirap na nararamdaman ng pamilya ng mga pasyente na may cancer,” paliwanag ni Duterte.
Araw-araw ay pataas nang pataas ang bilang ng mga binabawian ng buhay ayon sa talaan ng Philippine Cancer Center. Kaya ayon sa mambabatas ng Davao City ay kailangan itong pagtuanan ng pansin.
“Kailangan natin bigyan prayoridad ang pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ang ibang pasyente na talagang hindi kaya tustusan ang gastos na kailangan para magpagamot,” dagdag ni Rep. Pulong.
“Ilan sa malapit sa aking puso ay nabawian ng buhay dahil sa cancer, kaya alam ko po ang hirap na dinadanas ng isang pasyente o pamilya nito. Bilang chairperson ng Committee on Appropriations ay sisikapin ko po na matugunan ang hiling ni Speaker Velasco at Rep. Duterte na magkaroon ng sapat na budget ang NICCA sa bicam conference ng 2021 budget,” tugon ni Rep. Eric Yap sa hiling ni Rep. Duterte.