Advertisers

Advertisers

Reklamo ng seniors vs PayMaya

0 242

Advertisers

Bakit naman patuloy na pinahihirapan ng PayMaya ang mga senior citizen ng Maynila na napadalhan nila ng mali-maling passwords kaya hanggang ngayon ay hindi parin mai-withdraw ang pension na umaabot na sa 8 buwan. Nag-comply na sa hinihinging karagdagan documents para mai-lift ang pagkaka-block ng mga erroneous account pero ibinabato na naman kami sa OSCA ng Maynila, e galing na nga kami doon, may kopya naman kayo ng mga mali-maling accounts. Bakit naman pinaiikut-ikot pa ninyo ang mga matatanda. Huwag kayong salbahe sa mga may edad na dahil tatanda rin kayo.Pakitama na po ang mga blocked accounts, kailangan namin ang pension. Pls do help us. -Reynaldo S. Martinez, 09511794661

Tulak sa Bgy. 55, Manila
Gud am po. Puwede po parating natin sa aming mahal na Punong Barangay 55. Kasi po chairman si “Ate Will” po ayaw parin nia 2migil pag hatinggabi hanggang madaling araw po nagtutu2lak siya. Aksiyunan mo naman, Chairman, wag puro ka dada kulang sa gawa. – Concerned citizen

Driver galit kay DoTr Sec. Tugade
Puro Lip Service ito si Tugade. Pwede raw mag-load at bumili beep card kahit saan e sa Gilmore nga napakaarte ng teller, ayaw magbili. Then dagdag daw ruta ng jeep. Apat na taon na sila nakaupo di parin nakababalik ang ruta ng Pier South – Divisoria na makaikot at makapasok sa Recto – Asuncion. – Driver



Ibalik lahat ng ruta ng jeep
Dapat lahat ng ruta ng dyip ibalik ni Tugade. Mas safe ito, siguruhin lang na pito ang sakay ng maiigsi o kalahati ng total capacity ng mas mahahaba. Yun ngang E-Jeep na byaheng GASAK – RECTO out of route pa. Kesa naglipana mga private vehicles ngayon, mas sila pa gumagamit ng kalsada. – Driver