Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na kasama ang mga kongresista at mga senador sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan hinggil sa korupsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan nitong Miyerkules.
Ayon kay Roque, bagama’t napagkalooban ng immunity ang mga mambabatas hindi naman kasama rito ang paglabag sa anti-graft laws.
“Alam niyo po ang mandato po ng DOJ, sang-ayon sa batas na nabuo ng National Prosecutors Office is to investigate everyone. Pero meron din po tayong mga immunities na ine-enjoy ang ating mga elected members of Congress and the Senate pero it is not for violating anti-graft laws,” ani Roque.
Inihayag ni Sec. Roque na kahit hiwalay na sangay ang lehislatura sa sangay ng ehekutibo, wala namang hiwalay na ahensya ng pamahalaan ang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa korupsyon. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)