Advertisers

Advertisers

MANAGER BUKING NAGNAKAW NG 44 CELFONES, PINOSASAN NG SEKYU!

0 270

Advertisers

HINULI mismo ng security guard ang branch manager ng isang sanglaan sa Pasig City nang ireklamo ng pagnanakaw.
Kinilala ang dinakip na si Charmae Fenis, 27-anyos, na inireklamo ng negosyanteng si John Paul Defiesta, 51.
Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong ‘qualified theft’ ang branch manager ng John D. Gadgets Pawn Express Lucky Gold Plaza na matatagpuan sa Ortigas Extension Avenue, Barangay Rosario, Pasig City.
Sa reklamo ng may-ari, nawawala ang 44 unit ng cellphones sa establishment na ang tanging may access lamang dito ay ang branch manager.
Kinumpronta ng may-ari ang suspek hanggang sa inamin nito na siya ang dahilan ng pagkawala ng 44 cellphones.
Dahil dito, agad pinadampot ng may-ari ang branch manager sa security guard at nang kapkapan ay nakuha pa ang isang mamahaling cellphone sa bulsa nito. (Gaynor Bonilla)