Advertisers

Advertisers

Kidnapper huli sa Zambo

0 216

Advertisers

NAHULI ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang suspek sa pangingidnap sa isang Filipino-American sa Barangay Arena, Blanco, Zamboanga City nitong Martes.
Kinilala ang naaresto na si Anerson Tungayao, residente ng Brgy. Tapanayan, Sirawai, Zamboanga Del Norte. Nakatakas ang isa pang target ng operasyon na si Injam Yadah, Abu Sayyaf sub-leader.
Na-rescue naman ng tropa ng pamahalaan ang biktimang si Rex Triplitt, magsasaka, noong September 30, 2020 mula sa mga terorista.
Ayon kay PNP Chief, General Camilo Cascolan, modus ng grupo nina Yadah at Tungayao na magpanggap na construction workers para makapasok sa negosyo ng kanilang mga target na biktimahin sa area ng Zamboanga Peninsula.(Mark Obleada)