Advertisers

Advertisers

Holdaper tigok sa barilan sa Laguna

0 230

Advertisers

TODAS ang isang umano’y holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Langkiwa, Biñan, Laguna nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang Biñan Police Station ng impormasyon ukol sa kaso ng robbery-holdup mula sa isang security officer na ninakawan ng motorsiklo sa Brgy. Timbao.
Nagsagawa agad ng follow-up operation ang mga awtoridad at sa isang checkpoint malapit sa Langkawi service road ay nakita ng mga pulis ang itim na motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki na kapareho ang deskripsiyon sa binanggit ng biktima.
Pinahinto ng operatiba ang motorsiklo, pero imbes na huminto ay humarurot ito palayo. Nadulas ang motorsiklo at tumakbo palayo ang lalaki habang nakikipag-barilan sa mga pulis.
Napag-alaman na may isa pang motorsiklo na kasama ang lalaki pero nakatakas na ito.
Positibong itinuro ng biktima na kanya ang motorsiklo na minaneho ng napatay.
Pinaghahanap na ng mga pulis ang isa pang kasabwat sa krimen. (Dick Garay)