Advertisers
SA kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki nang kumagat ang mga ito sa buy-bust operation sa Barangay Tangos North, Navotas nitong Martes.
Sa ulat, isa sa mga nadakip ay mangingisda na gumagamit ng iligal na droga pero wala namang trabaho, at ang isa pa ay supplier ng droga.
Nakumpiska sa dalawa ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P680,000.
Samantala, dalawang lalaki rin ang inaresto nang mahulihan ng higit P400,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila nitong Martes.
Unang nahuli ang isang Filipino-Chinese sa buy-bust na ikinasa ng PDEA at MPD.
Sa ulat, sa harap ng mga stall na nagtitinda ng mga alahas, nahuli ang suspek at nakuha sa kanya ang nasa 50 gramo ng shabu na aabot sa P340,000 ang halaga.
Sa isa pang operasyon, nahuli ang top 9 drug personality ng Abad Santos Police Station na nasa watchlist at tinaguriang high value individual nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. 61 sa Tondo.
Nakumpiska sa suspek ang ilang medium at small sized sachet ng shabu na higit P81,000 ang halaga. (B. Samson/J. Domenden)