Advertisers
SUMIKLAB ang isang bahay ng konsehal sa Baramgay Pangpang, Sorsogon City nitong Martes ng hapon.
Ang itaas na bahagi ng bahay ni Konsehal Nestor Baldon ang natupok.
Ayon kay F03 Mharanee Salalac ng BFP-Sorsogon City, ang storage area ng 3rd floor ang nasunog na imbakan ng mga dokumento.
Sa report, electrical short circuit ang lumalabas na sanhi ng sunog.
Tinatayang nasa P9,000 ang total na pinsala ng sunog na naagapan nang kumalat pa sa ibang bahagi ng bahay.(James de Jesus)