Advertisers

Advertisers

9 na patay kay Quintin

0 222

Advertisers

UMAKYAT na sa 9 katao ang nasawi habang umabot sa P429,726,344 million halaga ng pinsala sa agrikultura at infrastructure ang nasira sa pananalasa ng bagyong Quinta, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 7 ang naitalang nasawi sa Mimaropa at 2 sa Central Visaya (Region 7). Karamihan sa mga nasawi ay sanhi ng pagkalunod, ang iba ay nabagsakan ng puno.
Anim katao naman ang sugatan, 2 ang naitalang nawawala sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visaya at Central Visaya.
Samantala, umabot sa P429,726,344 million halaga ng pinsala sa agricultural at infrastructure ng bagyong Quinta sa limang rehiyon.
Sa Calabarzon, umakyat sa P369,287,759; Bicol Region, P29,696,973; Western Visayas, P17,846,924; Central Luzon, P8 million; at Ilocos o Region 1, P4,894,688. (Mark Obleada)