Advertisers

Advertisers

5 DOH officials sinuspinde ng Ombudsman sa delay na benepisyo ng health workers

0 197

Advertisers

SINUSPINDE ang 5 opisyal ng Department of Health (DOH) dahil sa delay na paglalabas ng benepisyo ng mga health care workers sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ay matapos patawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman sina Kenneth Ronquillo, direktor ng Health Resource Development Bureau; DOH Assistant Secretary Maylene Beltran, Dr. Roger Tong-an — Administration and Financing Team, Dr. Laureano Cruz, DOH Administration and Financing Team at Esperanza Carating — Administrative Officer ng DOH.

Pahayag ni Ombudsman Samuel Martires, ang hakbang na ito ay bilang pagtalima sa mandato ng Office of the Ombudsman kung saan iginiit ni Martires na maari kasing makaapekto sa isinasagawang imbestigasyon kung hindi papatawan ang mga nasabing opisyal ng suspensyon.