Advertisers

Advertisers

Tsekwa timbog sa shabu

0 316

Advertisers

NALAMBAT ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police Distric t(MPD) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national sa buy bust operation nitong Martes ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.
Sa report ng MPD- Special Mayor Reaction’s Team (SMaRT), nakilala ang nadakip na si Peter Chua ng Chinatown Gold Center sa Ongpin St., Sta. Cruz.
Sa ulat, 11:20 ng umaga nang ikasa ang buybust operation sa Intsik sa nasabing lugar.
Umabot sa 50 gramo ng shabu na may street value P340,000.00 ang nasamsam sa Intsik.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA9165, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang Intsik. (Jocelyn Domenden)