Advertisers

Advertisers

Pugante pumalag sa parak, bulagta

0 248

Advertisers

TODAS ang isang tumakas na preso nang “manlaban” sa mga rumesponding pulis sa Barangay Luz, Cebu City.
Kinilala ang napatay na preso na si Roberto Ludong, isa sa mga tumakas kasama ang dalawa pang preso sa Mabolo Police Station gamit ang matulis na bagay para putulin ang mga rehas sa bilangguan.
Sa ulat, nakipagbarilan si Ludong sa mga awtoridad na tumugon para mailbalik ito sa bilangguan.
Ayon kay CCPO Director PCol Josefino Ligan, sangkot ang tumakas na preso sa mga kaso ng iligal na droga at pagnanakaw.
Iniimbestigahan pa ng CCPO ang mga naka-duty na pulis kungsaan posibleng kakaharapin ng mga ito ang kasong administratibo alinsunod sa ‘jailbreak’.(James de Jesus)