Advertisers

Advertisers

Palasyo ipinagtanggol ang DepEd sa pagbili ng 166 bagong sasakyan

0 239

Advertisers

IDINEPENSA ng Makanyang ang pagbili ng Department of Education ng nasa 166 na mga bagong sasakyan, kabilang na ang nasa 88 na truck.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nitong Lunes, Walang nakikitang mali ang matagal na itong planong bilhin ng gobyerno.
“Lahat po ng napo-procure sa taong itong eh, matagal na po iyong nasa drawing board. Itong pagbili po ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa po iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang po iyan nabili nga ano pero iyan po ay included sa 2019 budget,” aniya.
“Bago pa po dumating ang pandemya eh naaprubahan na po iyang budget na iyan.”
Ani Roque, mahalaga rin ang mga sasakyan para magamit ng DepEd engineers na gumagawa at nag-iinspeksyon ng mga classroom, maging para sa module distribution.
Gagamitin din aniya ito ng regional offices ng DepEd para makaikot sa mga komunidad ngayong panahon ng pandemya.