Advertisers
ISANG opisyal ng pulis sa Northern Samar ang nasawi matapos tamaan ng tari sa hita nang tangkain niyang hulihin ang naglalabang manok sa tupada sa bayan ng San Jose sa lalawigan.
Ang nasawi ay si Tinyente Christian Bolok, hepe ng San Jose Municipal Station, Northern Samar.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng San Jose MPS ang isang tupada sa Barangay Mandugang bandang 1:00 ng hapon ng Lunes. At tinangka hulihin ng opisyal ang mga naglalabang manok nang mahagip ng tari ng manok ang kaliwang hita nito.
Itinakbo ang opisyal sa Northern Samar Provincial Hospital pero hindi na ito umabot ng buhay dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanyang katawan.
Tatlong sabungero ang nadakip ng mga pulis sa operasyon.