Advertisers
PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa loob ng isang buwan.
Sa public address ni Pangulong Duterte nitong Martes ng umaga, Oktubre 27, sinabi niya na epektibo ang GCQ sa Metro Manila hanggang katapusan ng Nobyembre.
Maliban sa NCR, kabilang sa isinailalim sa GCQ hanggang katapusan ng Nobyembre ang mga lalawigan ng Batangas at Lanao del Sur, at siyudad ng Iloilo, Bacolod, Tacloban, at Iligan.
Binigyan diin ng Pangulo na ang panukalang klasipikasyon ng community quarantine ay pinag-aaralan pa dahil sa apila mula sa mga local government units. (Vanz Fernandez)