Advertisers
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Sec. Menardo Guevarra na imbestigahan na rin ang ibang ahensya ng gobyerno na may mga alegasyon ng katiwalian.
Sa kanyang live address to the nation, partikular na tinukoy ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nahaharap sa matinding isyu ng korapsyon.
Kung dati ay nakapokus lamang ang DOJ sa imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth, ngayon ay mas malawak na ang sakop nito dahil layon ng Pangulo na maimbestigahan ang isyu ng korapsyon sa lahat ng sangay ng gobyerno hanggang sa matapos ang kanyang termino.
Aminado naman si Justice Sec. Menardo Guevarra na ito na ang pinakamahirap na trabaho na kanyang natanggap.
“Apart from my usual responsibilities as SOJ, this new assignment is the toughest I have ever received from the President,” ani Guevarra.
Dahil dito, hinimok niya ang mga government workers na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon na makakatulong upang matuldukan ang korapsyon sa kanilang ahensya. (Jonah Mallari)